Friday, July 10, 2026

Bilang mga na-stranded na pasahero sa ilang mga pantalan sa bansa, pumalo ng higit 600 —PCG

Nadagdagan pa ang bilang mga pasahero, truck driver, at helper na na-stranded sa ilang mga pantalan sa bunsod ng Bagyong Inday.

Nasa 681 na indibidwal ang nananatili sa mga apektadong pantalan kung saan ang datos ay mula alas-4:00 ng madaling araw hanggang alas-8:00 ng umaga.

Aabot rin sa 206 rolling cargoes, 12 vessels, at 33 motorbancas ang naitalang stranded mula sa 57 apektadong pantalan.

Ilan sa mga pantalan na naapektuhan ng bagyo ay sa Southern Tagalog, Bicol Region, BARMM, North Western Luzon gayundin sa Southern Visayas, Central, at Western Visayas.

Para naman manatiling ligtas at hindi maapektuhan ng bagyo, pansamantalang nakidaong sa ibang pantalan ang nasa 161 na vessesl at 138 na motorbancas.

Patuloy naman naka-monitor ang Philippine Coast Guard (PCG) sa sitwasyon ngayong may bago habang pinapayuhan ang mga pasahero na manatiling tumutok sa mga abiso o anunsyo hinggil sa kanselasyon ng mga biyahe sa karagatan bunsod ng Bagyong Inday.

Facebook Comments