Saturday, June 27, 2026

School Safety Hotlines at Reporting Guidelines, dapat lubusang maipabatid sa publiko lalo na sa mga mag-aaral

Nananawagan si Pinoy Workers Party-list Rep. Karl Legazpi sa Philippine National Police (PNP), Department of Education (DepEd), at Commission on Higher Education (CHED) na tiyaking alam ng publiko lalo na ng mga mag-aaral ang mga school safety hotlines, at patakaran sa pagrereport ng bantang karahasan o nakambang panganib.

Hiling ito ni Legazpi sa mga otoridad at kaukulang ahensya makaraang matagumpay na mahadlangan ang umano’y banta ng isang menor de edad na pag-atake sa isang paaralan sa Leyte.

Ayon kay Congressman Legazpi, dapat din maipabatid sa publiko, lalo na sa mga estudyante, kung ano ang mga kahina-hinalang asal o kilos, mensahe at aktibidad na dapat nilang agad ireport sa mga awtoridad.

Sabi ni Legazpi, kailangang maging malinaw na ang pagrereport ng mga suspicious activities o pagbibigay ng impormasyon sa mga awtoridad ay hindi maituturing na akusasyon kundi bahagi ng pag-iingat at pagbibigay ng proteksyon sa bawat isa.

Facebook Comments