
Umaasa ang House prosecution panel na agad silang makakapagpresenta ng testigo sa unang araw ng impeachment trial laban kay VIce President Sara Duterte na nakatakda sa July 6.
Ayon kay House prosecution panel legal spokesperson at private prosecutor Benjamin “Jay” Tolosa Jr. base sa Schedule ay gagawin tuwing lunes hanggang miyerkules ang presentation ng mga witnesses at documentary evidence hanggang bago ganapin ang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr sa July 27.
Binanggit ni Tolosa na pagkatapos ng SONA ay gagawin na ang paglilitis tuwing Martes hanggang Huwebes.
62 ang trial days na hiniling ng Prosekusyon habang 30 araw naman ang hiniling na trial days ng defense team ni VP Duterte.
Pero ayon kay Tolosa, maari itong mapaikli depende sa bilis ng magiging presentation of evidence.










