Saturday, June 27, 2026

Impeachment trial kay VP Sara Duterte, posibleng abutin ng pitong buwan

Hindi malayong umabot ng hanggang pitong buwan ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.

Ayon kay Senate President Sherwin Gatchalian, batay ito sa pre-trial briefs ng house prosecution panel at ng defense team ni VP Sara at sa kakayaning gawin ng Senado na tatlong araw na paglilitis kada linggo, para magkaroon din ng panahon para sa plenary sessions.

Kung pagbabatayan ang timeline, aabutan na impeachment trial ng pagtalakay ng Senado sa pambansang budget na karaniwan mula Oktubre hanggang Disyembre isinasagawa.

Naunang sinabi ni Senate Secretary at Clerk of Court Renato Bantug Jr. na humingi ang prosecution team ng 62 trial days para sa presentasyon ng ebidensya sa paglilitis habang 30 araw naman ang hinihingi ng depensa.

Iginiit ni Gatchalian na bilang Senate President, siya ang magiging presiding ng impeachment court.

Facebook Comments