DTI, nag-inspeksyon sa mga hardware store sa Paranaque. labi ng pinay OFW na pinatay sa kuwait, naiuwi na

Naginspeksyon ang Department Of  Trade And Induatry o DTI sa mga hardware sa Paranaque City.

 

Unang ininspeksyon ni Trade Secretary Mon Lopez ang Sucat Imperial Marketing Corporation sa Brgy. San Dionisio kung saan isa-isang tinitimbang ang mga reinforce steel bars kung nasa tamang timbang.

 

Sumunod namang ininspeksyon ang pingyin hardware na kalapit nito at ang ilang steel bars ay sakto sa sukat ngunit kulang sa timbang.


 

Maging ang mga tindang semento ay isa-isa din sinuri kung saan hindi pa naman inihayag ng dti kung ano ang gagawin nila matapos makitaan ng paglabag ang ilang hardware store.

 

Samantala, dumating na sa bansa ang labi ng pinay OFW na si Constancia Dayag na ginasaha at pinatay sa Kuwait.

 

Kasamang sumalubnog sa labi ni dayag ang kaniyang pamilya at Foreign Affairs Secretary Teddy Locsin kasama ang ilang DFA at DOLE officials na nagpa-abot na din ng kani-kanilang pakikiramay.

Facebook Comments