
Nanawagan si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa mga Pilipino na huwag magsawang mahalin, piliin, at ipaglaban ang Pilipinas.
Sa kanyang mensahe para sa ika-128 Araw ng Kalayaan, sinabi ng pangulo na sana’y palalimin pa ng bawat isa ang kamalayan, maging mapanuri sa katotohanan at huwag gamitin sa masama ang kakayahan.
Huwag din aniyang pagsamantalahan ang pinagpaguran ng iba at bagkus ay lumaban nang patas sa araw-araw.
Aminado naman ang pangulo na marami pa ring banta sa kalayaan at kaunlaran ng bansa tulad ng katiwalian, pagkakanya-kanya, at kahirapan.
Nandiyan din aniya ang pandaigdigang suliranin at kalamidan
Sa kabila nito, sinabi ni Marcos na nananatili ang kanyang tiwala sa kakayahan, sipag, at kakayahang bumangon ng mga Pilipino sa gitna ng mga pagsubok.










