DTI, naglabas ng kautusan sa mga negosyante na huwag tanggihan ang barya at natuping pera ng customers

Hinikayat ng Department of Trade and Industry (DTI) ang mga negosyante sa kautusan na tanggapin ang mga barya na ibinabayad ng kanilang customers.

Ayon sa DTI, maiging tanggapin ng mga negosyante ang mga natuping bagong P1,000 bill at ilan pang perang papel.

Dapat din umanong gamitin ng mga mamimili ang mga barya gaya ng P0.25, P0.10 at P0.05 bilang dagdag sa kanilang pambayad.


Binigyang diin ng ahensya na lahat ng mga ito ay legal na pambayad sa anumang bilihin at hindi dapat tanggihan ng mga negosyante.

Facebook Comments