Duque, pinuri ni Pangulong Duterte sa COVID-19 response pero ilang healthcare workers muling ipinanawagan ang kaniyang pagbibitiw

Pinuri ni Pangulong Rodrigo Duterte si Health Secretary Francisco Duque III sa pangunguna nito sa paglaban ng bansa sa COVID-19.

SA talk to the People ng pangulo kagabi, sinabi niyang hanga siya kay Duque dahil ginawa niya nang maayos ang trabaho at hindi aniya ito malilimutan ng mga Pilipino.

Ayon sa Pangulo, isang sakripisyo ang ginagawa ni Duque lalo na’t ilang beses na niyang hiniling dito na huwag magbitiw sa pwesto.


Matatandaang makailang beses na ipinagtanggol ng Pangulo si Duque mula sa mga panawagan na sibakin na ang kalihin dahil sa kaniyang COVID-19 response at ang alegasyon ng kurapsyon sa PhilHealth.

Samantala, kahapon ay muling nagsagawa ng kilos protesta ang grupo ng ilang health workers sa harap ng tanggapan ng Department of Health.

Dito ay muling ipinanawagan ang pagbibitiw ni Duque dahil sa kapalpakan umano nito bilang kalihim.

Facebook Comments