Sunday, November 22, 2026

Dalawa sa pitong Pinoy na sugatan sa missle attack sa Strait of Hormuz, uuwi na sa Pilipinas ngayong araw

Nabigyan na ng travel authority ang dalawang Pinoy na sugatan matapos tamaan ng cruise missile habang naglalayag sa Strait of Hormuz noong Martes, May 5.

Ayon kay Department of Migrant Workers (DMW) Secretary Hans Leo Cacdac, ngayong araw ay dadating na sa bansa ang dalawang Pinoy.

Patuloy naman aniyang nagpapagaling ang lima pang Pilipino na nadamay sa missile attack.

Ang dalawa rito ay na-air lift na mula sa isang ospital patungo sa ibang ospital para gamutin.

Ang isa namang nasa kritikal na kondisyon ay nasa maayos nang kalagayan.

Facebook Comments