
Pormal nang dumulog sa Korte Suprema ang Duterte Youth makaraan silang hindi makasama sa mga ipinroklamang party-list groups kahapon.
Ito ay kahit pumangalawa sila sa mga partylist na may pinakamaraming nakuhang boto nitong nagdaang halalan.
Pinangunahan ni Duterte Youth Chairman Ronald Cardema ang paghahain ng petition for certoriari with urgent prayer for Temporary Restraining Order and/or Writ of Preliminary Mandatory Injunction.
Inihain ito laban sa Commission on Elections (Comelec) na nagsilbing National Board of Canvassers nitong nakalipas na 2025 midterm elections.
Sabi ni Cardema, matagal nang ibinasura ang reklamo ng Kabataan Party-list laban sa kanila na inihain noong 2019.
Kahapon, sinabi ni Comelec Chairman George Garcia na hindi muna ipinroklama ang Duterte Youth at Bagong Henerasyon Party-list dahil sa mga nakabinbin pang mga kaso sa kanilang tanggapan.