10 linya ng komunikasyon, binuksan ng Action Center ng DepEd para sa Oplan Balik Eskwela

60

Tumatanggap na ng mga tawag ang Action Center ng Department of Education (DepEd) upang tugunan ang mga may kinalaman sa pagbabalik eskwela ngayong Lunes.

Sampung linya ang inilagay ng Kagawaran sa Bulwagang Karunungan kung saan may mga nakatalaga na mga operator para tumanggap ng tawag at text.

Sa mga linyang ito, walo ang maaaring maabot sa pamamagitan ng landline habang dalawa sa cellular phone.


Maaari ng tawagan ang mga telephone hotlines na:

1. 8636-1663
2. 8633-1942
3. 8638-7549
4. 8638-7530
5. 8638-7531
6. 8635-9817
7. 8634-0222
8. 8638-8641

Habang ang mga cellular phone ay:



1. 0919-4560227
2. 0995-9218461

Mayroon ding nakatalaga sa mga social media platforms ng kagawaran na maaaring magpadala ng mensahe, 24/7.


Paalala ng DepEd, mga isyung may kinalaman lamang sa school opening ang tatanggapin ng kanilang mga call center representative.

Bukod sa Action Center ng DepEd Central Office, mayroon ding itinalaga na mga action center sa mga DepEd Regional at Provincial Offices.

Facebook Comments