
Tiniyak ng Malacañang na tuloy ang parliamentary elections sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) sa Setyembre 14, 2026.
Ayon kay Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro, wala pa siyang natatanggap na impormasyon na magpapahiwatig na maaantala ang halalan.
Nanindigan ang Palasyo na isasagawa ang eleksyon sa itinakdang petsa.
Ito ang unang parliamentary elections sa BARMM, na bahagi ng pagpapatupad ng Bangsamoro Organic Law at transition ng rehiyon sa parliamentary form of government.
Samantala, inihahanda na ng Commission on Elections ang mga election materials para sa 105 munisipalidad at dalawang lungsod sa BARMM bilang bahagi ng paghahanda sa halalan.
Facebook Comments










