Friday, September 4, 2026

House prosecution team, umaasang hindi tatakasan ni VP Duterte ang batas

Umaasa ang House prosecution panel na tutuparin ni Vice President Sara Duterte ang sinabi nito na hindi niya tatakasan ang batas at sa halip ay gagamitin ang available na mga legal na remedyo.

Sinabi ito ni House prosecutor at Bicol Saro Party-list Rep. Terry Ridon, makaraang maglabas ng warrant of arrest laban kay VP Duterte ang Quezon City Regional Trial Court Branch 98 para sa kasong grave threats na isinampa ng National Bureau of Investigation.

Diin ni Ridon, ang warrant ay hindi nangangahulugan na guilty sa kaso si VP Duterte kundi pagkakataon para maipresenta at maipagtanggol ang kanyang sarili sa korte.

Nilinaw din ni Ridon na ang impeachment proceedings ay hiwalay na proseso ng pananagutan na itinatakda ng konstitusyon.

Ayon kay Ridon, ang nabanggit na magkahiwalay na proseso sa korte at impeachment court ay hindi dapat agad husgahan.

Facebook Comments