Easter Sunday press conference, isasagawa ngayong araw ng 5 presidential candidates

Isasagawa ngayong araw ng limang presidential candidates ang isang joint press conference ngayong Easter Sunday.

Kabilang sa mga ito ay sina Manila Mayor Isko Moreno, Senator Manny Pacquiao, Senator Panfilo Lacson, former Presidential Spokesman Ernesto Abella at former Defense Secretary Norberto Gonzales.

Isasagawa ito mamayang alas-11:00 ng umaga sa Rigodon Ballroom sa Peninsula Manila Hotel.


Ayon sa anunsyo ng media bureau ng kampo ni Lacson, walang karagdagang detalye ang ibubunyag ng mga kandidatong lalahok sa conference dahilan para hindi matukoy ang agenda ng naturang pagpupulong.

Facebook Comments