
Mariing kinondena ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang kumakalat na pekeng text messages kaugnay ng Ayuda sa Kapos ang Kita Program (AKAP) payout ng departamento.
Paglilinaw ng DSWD, kasalukuyang hindi aktibo ang naturang programa.
Pinaalalahanan ng ahensya ang publiko na mag-ingat sa mga “too good to be true” na mensahe at huwag i-click ang mga link na ipinapadala upang maprotektahan ang personal na impormasyon.
Dagdag pa rito, pinayuhan ng DSWD ang publiko na kumuha lamang ng mga update mula sa kanilang opisyal na mga pahina.
Facebook Comments










