Saturday, July 18, 2026

50 motorista, tiniketan ng MMDA sa Taguig City; 8 sasakyan sa Marikina City, na-impound

Umabot sa 50 motorista ang tiniketan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Special Operations Group–Task Force for Road Clearing sa kanilang pag-iikot noong Biyernes, July 17, sa mga complaint area sa Taguig City.

Kasunod ito ng iba’t ibang paglabag sa batas-trapiko ng mga motoristang gumagamit ng mga pampublikong kalsada.

Kabilang sa mga kalsadang kanilang sinuyod ang Kalayaan Avenue, C5 Elevated U-turn, J.P. Rizal Extension, 23rd Avenue, 28th Avenue, 29th Avenue, 31st Avenue, at C5 Service Road.

Samantala, walong sasakyan naman ang na-tow at dinala sa impounding site ng MMDA sa Tumana, Marikina City.

Facebook Comments