
Inanunsiyo ng Pamahalaang Lungsod ng Maynila na pansamantalang isasara ang Emergency room ng Ospital ng Maynila.
Ito ay para sa isasagawang malawakang pagsasaayos ng pagamutan na tatagal mula sa Linggo, May 24 hanggang Lunes, June 1.
Kaugnay nito, sinabi ni Manila Mayor Isko Moreno na pansamantalang dadalhin sa anim na LGU-run hospitals ng lungsod ang mga pasyenteng mangangailangan ng agarang atensyong medikal sa naturang panahon.
Humingi naman ng pang-unawa ang LGU sa publiko habang isinasagawa ang pagsasaayos ng ospital.
Layon nitong mas maging ligtas at maaasayan ang serbisyong pangkalusugan ng pagamutan.
Facebook Comments










