Monday, May 18, 2026

PCG pumalag sa pahayag ng China na “publicity stunts” ang pagpapatrolya sa WPS

Walang kinalaman ang paninindigan ng gobyerno ng Pilipinas sa West Philippine Sea (WPS) sa isyu sa pulitika o umano’y “publicity stunts”.

Ito ang sagot ng Philippine Coast Guard (PCG) matapos kwestiyunin ni Chinese Embassy Deputy Spokesperson Guo Wei ang ginawang maritime domain awareness flight sa West Philippine Sea na sinamahan ng ilang personalidad at media.

Tinawag kasi ng embahada na publicity stunt lamang ang pagpapatrolya at ginagamit umano para sa domestic politics.

Pero sabi ni PCG Spokesperson for the West Philippine Sea Rear Admiral Jay Tarriela, ang China mismo ang matagal nang gumagamit sa pulitika ng Pilipinas kaugnay sa usapin sa teritoryo.

Nanindigan din si Tarriela na lehitimo ang isinasagawa nilang pagpapatrolya at walang dahilan para humingi ng permiso sa Beijing sa pagsasagawa ng mga operasykn sa loob ng ating exclusive economic zone (EEZ).

Iginiit pa ng opisyal na ang militarisasyon ng China, reclamation activities, at pangha-harass nito sa mga barko at aircraft ng Pilipinas ang totoong nagpapataas ng tensiyon at hindi ang kanilang pagpapatrolya.

Facebook Comments