Inaasahan ang pansamantalang pagkawala ng suplay ng kuryente sa siyam na bayan at lungsod na sakop ng PANELCO I sa Sabado, Nobyembre 14, 2026, bilang bahagi ng nakatakdang power interruption ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP).
Ayon sa abiso ng PANELCO I Management, isasagawa ang power interruption mula alas-8:00 ng umaga hanggang alas-5:00 ng hapon.
Kabilang sa mga isasagawang aktibidad ang tapping ng Capantolan Solar Power Plant at Sual Solar Power Plant, substation maintenance sa NGCP Labrador Substation, at line maintenance sa kahabaan ng Labrador-Bolinao 69kV line.
Apektado ng nasabing power interruption ang buong service coverage ng PANELCO I, kabilang ang Alaminos City at mga bayan ng Agno, Anda, Bani, Bolinao, Burgos, Dasol, Infanta at Mabini.
Ayon pa sa kooperatiba, maaaring maibalik ang suplay ng kuryente nang mas maaga kaysa sa itinakdang oras depende sa matapos ng mga nakatakdang gawain.
Pinapayuhan naman ang lahat ng consumer na mag-ingat at ituring na laging may kuryente ang mga linya at kagamitan upang maiwasan ang anumang aksidente.
Hinihikayat ang publiko na maghanda at magsagawa ng mga kinakailangang hakbang habang wala pang suplay ng kuryente sa kanilang mga lugar. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣









