
Iginiit ng Malacañang na hindi mabagal ang pagkilos ng pamahalaan para tugunan ang matagal nang problema ng bansa sa pagbaha.
Ayon kay Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro, malaki ang kailangang ayusin dahil ilang dekada nang hindi natutugunan ang problema, batay na rin sa mga pagsusuri ng mga eksperto.
Aniya, halos apat na dekada nang problema sa baha ang minana ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na kailangan ngayong tugunan ng kanyang administrasyon.
Dahil dito, sinabi ni Castro na hindi mabagal ang mga hakbang ng Pangulo.
Patunay aniya rito ang mga ipinatutupad nang proyekto para mabawasan ang pagbaha sa iba’t ibang lugar.
Kabilang dito ang pagpapagana at pagtatayo ng mga pumping station, paggamit ng mobile pumping machines at iba pang hakbang para mapalakas ang flood control efforts ng pamahalaan.










