Patuloy na binabantayan ng LGU ng Dagupan City ang lebel ng tubig sa Pantal river sa nakaambang patuloy na pagtaas nito.
Tinitignang anggulo kasi ang lebel at sitwasyon ng Pantal river bilang dahilan ng patuloy ding pagtaas ng tubig sa mga pangunahing kalsada maging ang downtown area ng lungsod.
Sa ibinahagi ni Mayor Belen Fernandez sa kanyang facebook live, sinabi nito na isa sa mga dahilan kaya’t binabaha ang ilang kalsada sa Dagupan at Downtown area ay kawalan ng dike sa bahagi ng Rizal St. na pipigil sa tubig mula sa ilog na lulubog sa kalsada.
Sa kasalukuyan, nakakaranas pa rin nang matinding pagbaha ang ang buong Dagupan dahil na rin sa epekto ng high tide.
Patuloy ring binabantayan ang sinukalan river na pinanggagalingan ng tubig sa Pantal river na nasa above critical level sa kasalukuyan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣








