
Mariing kinondena ng iba’t ibang environmental groups ang umanoy iligal na shipments at pagtatambak ng mga mapanganib na electronic waste o e-waste sa ilang factory sa Subic Laden mula sa United States, na idinadaan umano sa Subic Bay Freeport Zone.
Ayon sa mga grupo, hindi tambakan ng basura nang ibang bansa ang Pilipinas, at mas lalong hindi umano biodegradable ang e-waste, na maaari ring magbigay ng panganib sa kalusugan ng tao at makasira ng kalikasan.
Dahil dito, inilunsad ng environmental groups ang Environmental Task Force Againts Illegal E-Waste Imports to the Philippines o END E-WASTE IMPORTS ngayong Huwebes, June 25 para labanan ang nasabing isyu.
Ayon pa sa grupo, nakapagbigay na umano ang Basel Action Network, isang global waste trade watchdog organization, ng 14 Operation Can Opener Alert o monitoring campaign simula March 2025 hanggang ngayon sa Bureau of Customs (BOC) at Department of Environment and Natural Resources (DENR) kaugnay ng umano’y 234 containers na hinihinalang may lamang e-waste at 1 plastic waste, gayunpaman ay sinabi umano ng BOC na hindi umano nila ito maiimbestigahan dahil sa rulling ng Manila Regional Trial Court noong April 2025 na nagsasabing hiwalay ang customs teretory ng Subic Bay Freeport.
Samantala, para mahinto at mapanagot umano ang mga sangkot sa nasabing isyu, ay mananawagan si Kabataan Partylist Representative Renee Co ng congressional inquiry tungkol sa nasabing isyu.










