Tuesday, June 23, 2026

Pagpaparusa sa mga bata, hindi solusyon sa dumadaming mga insidente ng karahasan na kagagawan ng mga menor de edad

Mariing kinontra ni House Assistant Minority Leader at Gabriela Women’s Party Rep. Sarah Elago ang mga mungkahi na ibaba ang edad na maaring patawan ng criminal responsibility.

Kasunod ito ng nakaalarmang pamamaril ng dalawang estuyante sa San Jose National High School sa Tacloban City at iba pang karahasan na kagagawan din ng mga menor de edad.

Giit ni Elago, ang pagdidiin sa pagpaparusa sa mga bata ay hindi tutugon sa ugat ng problema dahil walang ebidensyang magpapakita na ang pagpapababa ng edad ng criminal responsibility ay makapipigil sa mga ganitong insidente.

Sa halip, ayon kay Elago, ang dapat resolbahin ng gobyerno ay ang kakulangan sa mental health services, guidance counselors, social workers, support mechanisms sa mga paaralan, at children and youth development facilities.

Dagdag pa ni Elago, kailangan ding tugunan ang mga suliraning kinakaharap ng mga kabataan tulad ng kahirapan, abuso, bullying, at iba pang anyo ng pagkabalisa.

Facebook Comments