Patuloy na dumarami ang mga evacuees na pansamantalang nanunuluyan sa Calasiao Sports Complex dahil sa matinding pagtaas ng baha sa ibat ibang barangay ng bayan.
Ayon kay Christine Joy Soriano Spokesperson ng Calasiao DRMMO, huling naitala ng MSWD Calasiao ang 170 na pamilya o higit kumulang 796 na indibidwal ang kasalukuyang nanunuluyan sa Calasiao Sports Complex na inaasahang pang madaragdagan.
Dagdag niya, patuloy pa rin ang isinasagawang rescue operations sa ilang barangay na lubhang nakakaranas ng matinding pagbaha.
Ayon kay nanay Rosy Segundo na kasalukuyang tumutuloy sa Calasiao Sports Complex, inabot na ang kanilang bahay sa barangay Lasip ng tubig baha.
Dinadaing din ni nanay Carmen Calaunan ang mataas na tubig baha na lumubog sa kanilang tahanan sa Barangay Talibaew.
Sa kasalukuyan, patuloy naman ang pangangasiwa ng LGU sa nasabing evacuation center na nagpatupad ng 10 PM curfew para sa mga evacuees upang mapanatili ang kaayusan.
Nananatili rin ang ilang kawani ng Municipal Health Office ng Calasiao upang bigyang pansin ang isyu sa kalusugan ng mga evacuees. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣






