
Kinalampag ng iba’t ibang grupo ang tanggapan ni Vice President Sara Duterte sa Mandaluyong City ngayong Sabado ng umaga, October 10 para ipanawagan sa Senate Impeachment Court na hatulang guilty ang bise presidente.
Bumuo pa ang mga raliyista ng “human chain”, bitbit ang kanilang mga placards.
Giit ng grupong “Hukbo ng Malayang Bayan” at “Kabataan Sagisag at Gabay ng Pilipino”, malinaw at sapat na ang nailatag na argumento at ebidensya sa impeachment trial para hatulang guilty ang bise presidente sa alegasyong unexplained wealth, undeclared assets, discrepancies sa Statement of Assests, Liabilities, and Net Worth (SALN), at misuse of confidential funds.
Dagdag pa rito, hindi umano magsasawa ang mga grupo na magkasa ng kilos-protesta hangga’t hindi nakukulong at napapatalsik sa pwesto ang bise presidente.










