Wednesday, August 12, 2026

Credit notice na inisyu ng COA sa DepEd, nagpapakita na walang anomalya sa paggamit ng confidential funds —Defense team VP Sara Duterte

Wala umanong nakitang anomalya ang Commission on Audit (COA) sa paggamit ng confidential funds ng Department of Education (DepEd) ayon ito sa Defense team ni Vice President Sara Duterte.

Ayon kay Defense Counsel Atty. Michael Poa, base sa credit notice na inisyu ng COA noong August 2024 ,nagpapakita lang ito na walang isyu ang nasabing kagawaran sa paggamit ng nasabing pondo.

Giniit ni Poa, na matagal nang may credit notice ang DepEd at mahalaga na nailahad na rin ito sa open court.

Kaugnay nito, ayon pa kay Poa,handa naman ang depensa na harapin ito sakali man na buksan muli ang nasabing credit notice sa DepEd sa nagpapatuloy na impeachment trial ni VP Sara sa Senado.

Facebook Comments