Friday, October 23, 2026

Extradition request ni Pastor Apollo Quiboloy, malapit nang maihain sa korte—DOJ

Malapit nang matapos ng Department of Justice (DOJ) ang kanilang paghahanda para sa ihahaing petisyon sa korte sa extradition ni Pastor Apollo Quiboloy.

Ayon kay Justice Secretary Eric Vida, nasa huling yugto na ang kagawaran kung saan tinatapos na ang legal review bago ihain sa korte.

Hinihiling ng Estados Unidos na i-extradite si Quiboloy na nahaharap sa patung-patong na kaso sa naturang bansa.

Kaugnay niyo, tiniyak ni Vida na susunod ang Pilipinas sa obligasyon sa ilalim ng extradition treaty sa Amerika at ang mga panuntunan na itinakda ng Korte Suprema kaugnay sa ganitong pagkakataon.

Kinakailangan din aniyang sundin ang mga proseso at may karapatan din ang isang indibidwal na hiniling na i-extradite.

Facebook Comments