Muling isinagawa ngayong Oktubre 1 sa City Plaza ng Dagupan City ang ₱20 Rice Project o Benteng Bigas Meron Na (BBM), na naglalayong makapaghatid ng abot-kayang bigas sa mga kwalipikadong residente.
Nagsimula ang distribusyon dakong alas-8 ng umaga, kung saan isinagawa ang verification, registration, encoding, payment at releasing ng bigas sa mga benepisyaryo.
Kabilang sa mga kwalipikadong makabenepisyo ang senior citizens, persons with disabilities (PWDs), solo parents, 4Ps beneficiaries, farmers, fisherfolk, at mga miyembro ng TODA na may kaukulang permit at driver’s license.
Kinakailangan ang valid ID bilang patunay sa proseso ng beripikasyon at pagkuha ng bigas.
Sinunod ng mga benepisyaryo ang itinakdang proseso: pagpapakita ng valid ID, pagsagot sa registration form, encoding, pagbabayad at pagkuha ng claim stub bago pumunta sa releasing area.
Ayon sa inilabas na abiso, magpapatuloy ang ₱20 Rice Project hanggang may suplay.
Patuloy namang hinihikayat ang mga kwalipikadong residente na abangan ang mga susunod na iskedyul at anunsyo kaugnay ng programa. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣











