LIBO-LIBONG RESIDENTE SA CALASIAO, NAKINABANG SA LIBRENG PAGKAIN SA COMMUNITY MARKET PROGRAM

Libo-libong residente ang nakinabang sa libreng pamamahagi ng pagkain sa isinagawang Community Market sa Calasiao bilang bahagi ng selebrasyon ng kapistahan ng bayan.

‎Tinatayang nasa higit 8,000 mamamayan ang nakatanggap ng iba’t ibang pangunahing pangangailangan tulad ng prutas, gulay, karne, isda, at bigas sa pamamagitan ng Free Pantry na itinampok sa nasabing aktibidad.

‎Sa ibinahaging live video ng LGU, pila ang mga residente dala ang kanilang mga paglalagyan ng mga naturang libreng produkto na siyang malaking tulong lalo na sa gitna ng patuloy na hamon sa presyo ng mga bilihin.

‎Tulungan rin ang bawat isa sa pamamahagi ng mga libreng pagkain.

Bukod sa selebrasyon, nagsilbi rin itong konkretong paraan ng pagtulong sa komunidad.

‎Mula naman ang inisyatiba sa alkalde at bise alkalde ng bayan bilang bahagi ng mas pinalawak na programa sa serbisyong panlipunan para sa mga residente ng sakop ng bayan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments