Pinalalakas pa ng Pamahalaang Bayan ng Binmaley ang seguridad at pagpapanatili ng kaayusan sa mga barangay kasunod ng pagkakaloob ng 28 bagong Barangay Tricycle Patrol Vehicles at isang 12-wheeler truck.
Isinagawa ang pagbabasbas ng bagong 12-wheeler truck at ang Blessing and Turnover Ceremony ng 28 patrol vehicles na nakalaan para sa iba’t ibang barangay sa bayan.
Pinangunahan ni Mayor Pedro “Pete” A. Merrera III ang pormal na turnover ng mga bagong sasakyan sa mga Punong Barangay, sa pangunguna ni Liga ng mga Barangay President Roberto “Butch” A. Merrera Jr.
Ayon sa Pamahalaang Bayan, naisakatuparan ang pagkakaloob ng mga patrol vehicle sa pamamagitan ng Liga ng mga Barangay, sa tulong ng National Government sa ilalim ng programang “Bawat Barangay Makikinabang” sa pamumuno ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.
Layunin ng naturang proyekto na mapalakas ang kakayahan ng bawat barangay sa pagpapanatili ng kapayapaan, kaayusan at seguridad, gayundin ang mas mabilis na pagtugon sa pangangailangan ng kanilang mga residente. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣












