Saturday, September 26, 2026

𝗠𝗔𝗛𝗜𝗚𝗜𝗧 ₱𝟰𝟱𝟱𝗞 𝗦𝗛𝗔𝗕𝗨, 𝗡𝗔𝗦𝗔𝗠𝗦𝗔𝗠 𝗦𝗔 𝗕𝗨𝗚𝗨𝗘𝗬; 𝗠𝗔𝗚-𝗔𝗦𝗔𝗪𝗔, 𝗔𝗥𝗘𝗦𝗧𝗔𝗗𝗢!

Cauayan City – Nasamsam ng mga awtoridad ang mahigit ₱455,000 halaga ng hinihinalang shabu at naaresto ang isang barangay secretary at kanyang asawa sa isinagawang operasyon sa Buguey, Cagayan.

‎Ang operasyon ay bahagi ng pinaigting na kampanya laban sa ilegal na droga sa ilalim ng Republic Act No. 9165.

‎Kinilala ang mga suspek na sina alyas ” “Kiko” at “Nancy”, mag-asawa, at kapwa residente ng Buguey, na itinuturing na High-Value Individuals.

‎Pinangunahan ang operasyon ng Provincial Intelligence Unit – Provincial Drug Enforcement Unit ng Philippine National Police, katuwang ang iba pang yunit at ahensya kabilang ang Philippine Drug Enforcement Agency.

‎Sa bisa ng search warrant na inilabas ng RTC Aparri, nakumpiska ang 13 sachet ng hinihinalang shabu na may kabuuang timbang na humigit-kumulang 67 gramo at tinatayang halaga na ₱455,600.

‎Dinala ang mga suspek at ebidensya sa himpilan ng pulisya para sa dokumentasyon.

‎Ayon kay Cagayan Police Provincial Director Police Colonel Mardito Anguluan, patunay ang operasyon sa patuloy na pagsisikap ng kapulisan na mapanatili ang kapayapaan at masugpo ang ilegal na droga sa lalawigan.

Facebook Comments