Patuloy na pinaiigting ang inspeksyon ng awtoridad sa mga kakalsadahan sa Ilocos Region upang bantayan at pigilan ang operasyon ng mga kolorum na tinukoy bilang isang banta sa kaligtasan ng mga motorista at mananakay.
Sa inspeksyon, tinitignan ng mga tauhan ng Land Transportation Office Region 1 ang kaukulang dokumento para sa awtorisadong pagbiyahe, pagsunod sa mga ipinatutupad na batas at pagtiyak na roadworthy ang mga bumabiyaheng sasakyan.
Bukod sa inspeksyon, tinuturuan din ang mga driver hinggil sa mga batas trapiko at kaakibat na parusa para sa mga lalabag upang mapataas ang kanilang kamalayan sa mga umiiral na regulasyon.
Ayon sa tanggapan, magpapatuloy ang pinaigting na operasyon bilang bahagi ng mga hakbang upang panatilihing ligtas at responsable ang mga driver na bumabiyahe sa mga pampublikong daan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










