Saturday, October 24, 2026

Masamang epekto ng El Niño, pina-a-agapan sa DA at DSWD

Agad na pinakikilos ni Senate President Sherwin Gatchalian ang Department of Agriculture (DA) at Department of Social Welfare and Development (DSWD) para agapan ang matinding epekto ng Super El Niño.

Pinakikilos ni Gatchalian ang DA at DSWD na palakasin ang kanilang mga hakbang upang mabawasan ang masamang epekto ng El Niño partikular sa sektor ng agrikultura at iba pang mahihirap na sektor.

Babala ng senador, kailangang mapaghandaan ang masamang epekto ng Very Strong El Niño dahil maaari itong maging kasing lala ng gyera sa Iran kung saan tumaas ang presyo ng langis.

Sa El Niño naman aniya ay tatlong dagok ang maaaring mangyari, pagkawala ng trabaho, kawalan ng output at wala pang makakain.

Nitong Setyembre pa lang ay umabot na sa P6.86 billion ang pinsala sa agrikultura dulot ng El Niño batay sa datos ng Philippine Statistics Authority (PSA).

Tatalakayin naman sa Reinvigorate Investment and Sustainable Economic Growth (RISE) ad hoc committee sa pangunguna ni Gatchalian ang masamang epekto ng El Niño at kung paano makakatulong ang Senado para maibsan ang epekto nito.

Facebook Comments