Tuesday, November 17, 2026

Bagong panuntunan ng DepEd, asahan dulot ng banta ng El Ñino

Maglalabas ng panibagong kautusan ang Department of Education (DepEd) para sa mga gabay sa pagharap ng mga paaralan sa matinding epekto ng El Niño.

Ayon kay DepEd Undersecretary Malcolm Garma, magiging batayan sa pagpapatigil ng face-to-face classes ang heat index ng PAGASA, kung saan awtomatikong sususpindihin ang klase kapag pumalo sa 42 degrees celsius pataas ang init upang maiwasan ang heat stroke, dehydration, at iba pang sakit.

Bibigyan din ng kapangyarihan ang mga school principal na magkansela ng klase batay sa peligro ng init sa kanilang lugar.

Upang hindi maantala ang pag-aaral, ipatutupad ang alternatibong mga pamamaraan tulad ng home-based learning sakaling magkaroon ng suspension.

Inatasan din ang mga paaralan na maglaan ng accessible drinking water at ang pagpapahintulot sa mga mag-aaral na magsuot ng mas preskong pananamit.

Facebook Comments