Tuesday, May 26, 2026

Pamunuan ng House Committee on Labor, tiwalang mahuhusayang mapamunuan ni Sec. Tolentino ang sektor ng paggawa

Tiwala si House Committee on Labor and Employment Chairman at Cavite 1st District Representative Jolo Revilla sa kakayahan ni dating Senator Francis Tolentino na pamunuan ang labor sector at tugunan ang mga hamon dito.

Binigyang-diin ni Revilla na tiyak makikinabang ang sektor ng paggawa kay bagong Labor Secretary Tolentino bilang isang mahusay, masipag, at result-oriented na public servant na may malawak na karanasan sa pamahalaan.

Naniniwala si Revilla na malaki ang maitutulong ng leadership ni Tolentino sa pagpapalakas ng labor sector, lalo na sa usapin ng job generation, workers’ protection, skills development, at pag-angkop sa mabilis na pagbabago ng pandaigdigang ekonomiya.

Tiniyak naman ni Revilla ang pakikipagtulungan ng pinamumunuan niyang House Committee on Labor kay Sec. Tolentino sa paglalatag ng mga polisiyang nagtataguyod sa kapakanan at dignidad ng mga manggagawang Pilipino.

Facebook Comments