
Iginiit ni Senator Chiz Escudero na hindi dapat madiktahan ng popularidad ni Vice President Sara Duterte ang magiging resulta ng impeachment trial.
Ayon kay Escudero, hindi dapat maging batayan ng mga senator-judges ang pagiging popular ng bise presidente sa kanilang magiging hatol kundi dapat ito ay nakadepende sa ebidensya.
Bago ang botohan aniya ay magpapaliwanag ang bawat senator-judge para malaman ng publiko kung ano ang naging basehan ng kanilang magiging hatol.
Iginiit ni Escudero na hindi tama na kapag sinabi ng survey na i-acquit o ipawalang-sala si VP Sara ay i-a-acquit nila ito kahit sa kabilang banda ay napakalinaw at malakas ang ebidensya laban sa kanya o kaya naman sasabihin ng survey na i-convict ang bise gayong wala namang sapat na ebidensya laban sa kanya.
Kung ganito ang kanilang gagawin sinabi ni Escudero na sana ay magpa survey na lang sila tapos ay magbotohan at huwag nang idaan sa proseso ang impeachment case.
Nakasaad aniya sa saligang batas dapat na nakabatay sa ebidensya at batas ang papapasya sa impeachment case at kung maging factor man sa pagpapasya ang survery dapat ay nasa likod lang ito ng isipan ng mga senator-judge.










