Monday, October 26, 2026

Sec. Vince Dizon, ibinalik bilang kalihim ng DOTR; Sec. Giovanni Lopez, lilipat sa DPWH

Ibinalik ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si Sec. Vince Dizon bilang kalihim ng Department of Transportation o DOTr, habang ililipat naman si Sec. Giovanni Lopez sa Department of Public Works and Highways (DPWH).

Ayon kay PCO Acting Secretary Lino Cayetano, inatasan si Dizon na tugunan ang mga problema sa araw-araw na biyahe, paikliin ang pila sa Land Transportation Office (LTO), sugpuin ang mga fixer, at pabilisin ang mga proyekto sa pampublikong transportasyon.

Tututukan naman ni Lopez ang pagpapatuloy ng mga reporma sa DPWH, partikular ang transparency, pananagutan at paglaban sa korapsyon, gayundin ang pagpapabilis sa mga proyekto sa kalsada at tulay.

Layon ng pagbabago sa dalawang ahensya na pabilisin ang serbisyo ng gobyerno at matiyak na magpapatuloy ang mga reporma sa transportasyon at imprastraktura.

Facebook Comments