FIRE ALAM GRASSCUTTING, SINIMULAN NA SA MGA BARANGAY SA DAGUPAN CITY

Sinimulan na sa mga barangay sa Dagupan City ang grass cutting na bahagi ng inilunsad na Fire Alam na may layong maiwasan ang ilang insidente ng sunog, lalo na ang grassfires.
Nauna nang pinulong ng lokal na pamahalaan ng Dagupan katuwang ang iba’t-ibang ahensya ang tatlumpu’t-isang barangay councils ukol sa mga kaalamang nakapaloob sa ‘Handa Ka Na?’ na saklaw ng isinusulong na disaster preparedness sa lungsod.
Umarangkada na ang naturang aktibidad sa Brgy. Lucao, Tambac, Mamalingling, Bolosan, Salisay, Tebeng, Bonuan Binloc, Bonuan Boquig, Bonuan Gueset, Malued, Lasip Chico, Pantal, Caranglaan, at Bacayao Sur.

Susuyurin ang lahat ng barangay sa Dagupan upang isagawa ang naturang aktibidad, maging pagsasagawa na rin ng ilang mga pagsasanay na nakapaloob dito.
Samantala, hinimok ng LGU Dagupan ang publiko na makipag-ugnayan sa tanggapan sakaling gustong ma-ipalinis at mapaputol ang mga malalaki at matataas ng damo na maaaring pagmulan pa ng sunog o krimen. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments