TUBIG MULA SA KANAL, BUMULWAK SA RIZAL ST. DAHIL SA MATAAS NA LEBEL NG BAHA

Bumulwak mula sa mga kanal ang tubig-baha sa bahagi ng Rizal Street sa Dagupan City matapos hindi na kayanin ng drainage system ang mataas na lebel ng tubig na naranasan sa lungsod kahapon, September 1.

‎Sa kabila ng mataas na tubig, may ilang tricycle driver pa ring sumuong sa baha upang maihatid ang kanilang mga pasahero. Karamihan naman sa mga pampublikong sasakyan ay umiwas muna sa lugar at gumamit ng mga alternatibong ruta upang makapagpatuloy sa pamamasada.

‎Nakaantabay naman ang Public Order and Safety Office (POSO) Dagupan upang bantayan at panatilihin ang maayos na daloy ng trapiko sa mga apektadong kalsada.

‎Kapansin-pansin din ang ilang residente at pedestrian na nilusong ang baha nang walang suot na proteksiyon gaya ng bota o wader.

‎Patuloy ang paalala ng mga health authorities na hangga’t maaari ay iwasang lumusong sa baha dahil sa panganib ng leptospirosis at iba pang sakit na maaaring makuha mula sa kontaminadong tubig.

‎Isa ang Rizal Street sa mga kalsada sa Dagupan City na nakaranas ng pagbaha at patuloy na minomonitor ng mga lokal na awtoridad. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments