PNP ROSALES AT SAN CARLOS CITY, NAKAALERTO SA KABILA NG HINDI PAGKAKABILANG SA AREAS OF CONCERN NGAYONG HALALAN 2025

Matapos ilunsad ang Nationwide Checkpoint Kick-Off ngayong buwan kasunod ng paghahanda sa nalalapit na Midterm Poll Elections sa May 2025, inaasahan ang kaliwa’t kanang mga checkpoints sa mga kakalsadahan.

Nakaalerto ang kapulisan sa lalawigan ng Pangasinan pagdating sa pagsasagawa ng mga hakbang sa pagpapanatili ng kaayusan at kapayapaan sa kanilang nasasakupan.

Sa panayam ng IFM News Dagupan kay PNP Rosales Chief of Police PMaj. Noel DC. Cabacungan, mas paiigtingin ang pagpapatrolya nito sa kanilang nasasakupan.

Inihayag naman ni PNP San Carlos Deputy Chief PMaj. Resty Ventenilla ang hindi pagiging kampante ng hanay kahit pa hindi kabilang ang San Carlos sa Yellow Category.

Paalala ng awtoridad ang pakikipagtulungan at kooperasyon ng mga motorista upang matiyak ang kaligtasan at kaayusan ng publiko. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments