Thursday, September 3, 2026

Precinct Finder, pagaganahin na ng Comelec sa susunod na linggo para sa BARMM election voters

Ilang araw bago ang kauna-unahang BARMM Parliamentary Elections, bubuksan na o pagaganahin na ng Commission on Elections (COMELEC) ang Precinct Finder para matulungan ang mga rehistradong botante na malaman ang kanilang voting precinct.

Simula September 7, maaaring gamitin ng mga botante ang Precinct Finder para mas mabilis na matukoy kung saan sila nakatalagang bumoto sa mismong araw ng halalan.

Upang magamit ang sistema, kailangan lamang ilagay ng botante ang ilang impormasyon tulad ng buong pangalan, araw ng kapanganakan, at lugar kung saan nakarehistro bilang botante.

Sa pamamagitan nito, inaasahang magiging mas madali para sa mga botante na malaman ang kanilang voting precinct at makapaghanda bago ang araw ng eleksyon.

Hinikayat naman ang mga rehistradong botante na abangan ang pagbubukas ng Precinct Finder at tiyaking tama ang kanilang impormasyon upang maiwasan ang abala sa araw ng botohan.

Ang nasabing hakbang ay para mapabilis ang botohan sa kauna-unahang BARMM Parliamentary Elections sa September 14, 2026.

Facebook Comments