Saturday, June 6, 2026

FLUSHING OPERATION SA BAYAMBANG PUBLIC MARKET, ISINAGAWA

Pinagtibay sa Bayambang ang kampanya para sa kalinisan at kaligtasan sa pampublikong pamilihan matapos na maisagawa ang flushing operation sa Wet Section ng Bayambang Public Market.

Nagtulungan ang mga kawani ng Ecological Solid Waste Management Office (ESWMO), Special Economic Enterprise (SEE), at Bureau of Fire Protection (BFP) Bayambang para matiyak ang maayos na kondisyon ng isa sa mga pinakaabalang bahagi ng pamilihan.

Inalis ang naipong dumi para maiwasan ang mabahong amoy sa wet section kung saan karaniwang matatagpuan ang mga produktong madaling magdulot ng kalat at maruming kapaligiran.

Pagpapanatili rin ito ng kalusugan at kaligtasan ng mga mamimili at mga nagtitinda.

Nagpahayag naman ng pasasalamat ang lokal na pamahalaan sa ESWMO, SEE, BFP Bayambang, at iba pang katuwang na nakiisa sa operasyon. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments