Wednesday, June 24, 2026

Defense team, naniniwalang hindi pa atrasado ang timeline ng impeachment trial

Hindi pa naman maituturing na atrasado na ang timeline para sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte na sisimulan sa July 6.

Ito ay kahit hindi pa natatapos sa ikatlong araw ang pagmamarka ng mga ebidensya.

Ayon kay Atty. Michael Poa, tagapagsalita ng Defense Team, sa original schedule ay talagang hanggang June 25 pa naman ang pre-trial conference.

Kung sakali na mapalawig ang schedule ng pre-trial conference hanggang Sabado ay nakahanda naman ang depensa ni VP Sara na mag-adjust para rito.

Gayunman, ang pagtatapos ng pre-trial conference ay depende sa bilis ng pagmamarka ng mga ebidensya kaya hindi rin masabi kung sa darating na Huwebes ay matatapos na nila ito.

Mula naman sa isang table na marking station ay gagawin na itong dalawa para mapabilis ang proseso ng pagmamarka ng mga exhibits at mga dokumento.

Facebook Comments