Saturday, June 6, 2026

HVI, TIMBOG MATAPOS MAHULIHAN NG P340,000 HALAGANG HINIHINALANG SHABU SA ASINGAN

Arestado ang isang itinuturing na High-Value Individual (HVI) matapos masamsam ng mga awtoridad ang tinatayang nasa P340,000 halaga ng hinihinalang shabu sa isinagawang operasyon sa bayan ng Asingan.

Isinagawa ang operasyon sa bisa ng search warrant kaugnay ng paglabag sa Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Pinagsamang pwersa ng Regional Police Drug Enforcement Unit, iba’t-ibang unit at Asingan Municipal Police Station (MPS) ang nagsagawa ng operasyon.

Nakumpiska mula sa suspek ang sampung heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng 50 gramo hinihinalang shabu, bukod pa sa iba pang ebidensyang may kaugnayan sa kaso.

Binigyang-diin ni PRO1 Acting Regional Director, PBGEN Jovencio S. Badua Jr., na patuloy ang pagtugis nila sa mga high-value target at pagpigil sa operasyon ng mga sindikato ng iligal na droga sa rehiyon. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments