
Hindi pa ligtas kaya’t hindi pa rin maaring bumalik ang mga residenteng nakatira sa nasunog na Eastwood Olympic Heights Tower 3 condominium sa barangay Bagumbayan, Quezon city.
Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP), kahit na nakapag-issue na ng property recovery and clearing permit ang Quezon City Fire Department noong martes, June 23,kailangan pa umano kasi ng report at approval na mangggaling sa third party entities na requirements na magkukumpirmang safe nang matirhan muli ang 25-taong gulang na gusali.
Pero, ayon sa isa mga may ari ng unit, may ilan umanong nakabalik na sa kanilang unit, partikular ang mga nasa sa lower levels na naibaik nakabalik ang suplay ng kuryente.
Batay sa inisyal na datus ng QC Disaster Risk Reduction & Management Office (QCDRRMO), aabot sa 36-na katao ang nasugatan at dinala sa iba’t ibang pagamutan pero wala pang final report hanggang sa ngayon ang QC fire department na nag-iimbestiga pa rin sa insidente.










