‘Fly by night’ foundations, walang puwang sa donor portal ng DSWD

Walang puwang sa bagong donor portal ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang mga fly by night foundation.

Sa ilalim ng bagong Kaagapay Donations Portal, ang ahensya ang tutukoy sa mga lehitimong social welfare and development agencies kung saan ididiretso ng mga donor ang kanilang mga donasyon.

Ayon kay DSWD Secretary Rex Gatchalian, lahat ng mga nakasunod sa mga requirement ang awtomatikong makakasama sa Kaagapay Donations Portal.

Kabilang dito ang Social Welfare and Development Agencies (SWDAs) na nakapagsumite ng kanilang application for certification for registration, license to operate, and accreditation (CRLA), at sa public solicitation permits sa pamamagitan ng Harmonized Electronic License and Permit System (HELPS) ng ahensya.

Ani Gatchalian, magsisilbing incentive ang pagsama sa portal ng mga accredited foundation.

Patunay ito na ang mga accredited foundation ay tunay na nakakatulong lalo na sa pagsugpo ng kahirapan at kagutuman.1

Facebook Comments