Nuclear test ban sa tatlong malalaking bansa, itutulak ni PBBM

Courtesy: Bongbong Marcos Facebook Page

Susubukan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na kumbinsihin ang mga lider ng Tonga, Bhutan, Nepal na lumagda at ratipikahan ang Comprehensive Nuclear-Test-Ban Treaty (CTBT) para sa ligtas na mundo mula sa banta ng nuclear.

Ito ang pangako ni Pangulong Marcos kay Comprehensive Nuclear-Test-Ban Treaty Organization Executive Secretary Robert Floyd sa pulong sa Malacañang.

Sa naturang pulong, hiningi ni Floyd ang tulong ni Pangulong Marcos na kausapin ang tatlong bansa na lumagda sa kasunduan.

Tugon naman ni Pangulong Marcos, gagawin niya ang kanyang makakaya lalo’t pamilyar naman siya sa proseso.

Sa ilalim ng kasunduan na in-adopt ng UN General Assembly noong 1996, nakasaad na ipinagbabawal ng anumang nuclear weapon test explosion o anumang uri ng nuclear explosion saan mang panig ng mundo, at papatawan ng parusa ang bansang lalabag dito.

Sa ngayon, nasa 187 na bansa palang ang lumagda mula noong 1996 na niratipikahan naman ng 178 na bansa.

Facebook Comments