Tuesday, June 30, 2026

Mental health ng mga college students, pinaaaksyunan din ng isang senador

Pinatututukan din ni Senator Christopher “Bong” Go ang mental health ng mga college students.

Ipinunto ni Go ang kahalagahan na mapalakas ang mental health support sa mga mag-aaral sa mga unibersidad at kolehiyo sa ilalim ng isinusulong na Senate Bill 176.

Iginiit ng senador na dapat available sa mga estudyante sa lahat ng antas ang mental health programs partikular na sa mga walang access para sa private counselling o psychological care.

Pinamamadali rin ni Go ang hiring ng mga School Counselor Associates sa mga public schools sabay giit na hindi pwedeng mabagal ngayon ang aksyon lalo kung mental health ng mga kabataan ang pinaguusapan.

Nilikha aniya ang School Counselor Associate position sa ilalim ng Republic Act 12080 na layong tugunan ang kakulangan ng mga guidance counselors sa mga public schools at bilang suport sa pagpapatupad ng School-Based Mental Health Program.

Facebook Comments