
Ipinakilala ngayong araw ang ikalawang batch ng mga abogado na magsisilbing private prosecutor para sa impeachment trial kay Vice President Sara Duterte.
Ipinrisinta sila sa isang pulong balitaan na pinangungunahan nina
House Prosecutors Representatives Leila de Lima at Chel Diokno.
kinabibilangan ito nina:
– Atty. Theodore Te, dating tagapagsalita ng Kataas-taasang Hukuman;
– Atty. Reynaldo Robles;
– Atty. Arnold Labay;
– Atty. Mae Divinagracia; at
– Atty. Benjamin Tolosa Jr., nagsisilbi din bilang legal spokesperson ng House prosecution panel
Sa ngayon, ay umaabot na sa 15 ang private prosecutors at ayon kina De Lima at Diokno, posibleng madagdagan pa ang mga ito.
Ipinakilala naman si dating Surigao Del Norte 2nd District Rep. Robert Ace Barbers na impeachment adviser at dagdag na tagapagsalita ng House prosecution panel.










