Monday, June 29, 2026

40 Pinoy seafarers, sakay ng dalawang barko na inatake sa Strait of Hormuz —Malacañang

Kinumpirma ng Malacañang na may 40 Pilipinong tripulante na sakay ng dalawang barkong inatake sa Strait of Hormuz sa gitna ng nagpapatuloy na tensyon sa Middle East.

Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, batay sa ulat ni Migrant Workers Secretary Hans Leo Cacdac kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., walang nasaktan sa 21 Pilipinong sakay ng MV Ever Lovely at 19 na Pilipinong tripulante ng Panama oil tanker na Kiku.

Nananatiling seaworthy ang dalawang barko at ipinagpapatuloy ang kanilang biyahe.

Inaasahan ding darating sa Singapore ang MV Ever Lovely sa Hulyo 5.

Patuloy namang mino-monitor ng pamahalaan ang kalagayan ng mga tripulante at nakahandang magbigay ng onboard psychosocial assistance kung kinakailangan.

Sa pinakahuling datos, nasa 2,100 Pilipinong seafarers na sakay ng 85 barko ang ligtas nang nakalabas sa Strait of Hormuz, habang nasa 3,800 iba pa na nasa mga barko sa Persian Gulf ang patuloy na binabantayan ng mga awtoridad.

Facebook Comments